Advertisers

Advertisers

Faustino nag-resign dahil ‘di alam ang panunumpa ni Centino sa Malakanyang

0 247

Advertisers

NAGSALITA na si dating DND OIC Senior Undersecretary Jose Faustino Jr. kaugnay sa kaniyang resignation.

Sa kanyang opisyal na pahayag, kinumpirma ni Faustino na naghain siya ng kaniyang irrevocable letter of resignation sa Pangulong Bongbong Marcos noong January 6, 2023, matapos mabatid sa mga balita at social media reports ang isinagawang oath of office ng bagong Chief of Staff sa Malakanyang.

“With the utmost respect, I submitted my irrevocable letter of resignation to the President, His Excellency Ferdinand R. Marcos Jr., on Friday, January 6, 2023, after learning only from news and social media reports that an oath of office of the new Chief of Staff, AFP had taken place at Malacañang,” pahayag ni Faustino.



Hindi alam ni Faustino na nanumpa na si Gen. Andres Centino sa Malakanyang kapalit ni LtGen. Bartolome Bacarro.

Binigyang-diin ni Faustino na ang AFP ay isang institusyon na minamahal, pinagkakatiwalaan at nirerespeto ng sambayanang Pilipino.

Punto pa ng dating kalihim at chief of staff na ang AFP ay isang highly capable at committed sa mandato nito na protektahan ang bansa laban sa lahat ng banta foreign man o domestic threats.

Ayon kay Faustino, sa paglipas ng mga taon ang AFP ay nagbago sa isang intistusyon na tunay na maipagmamalaki ng sambayanang Pilipino.

Sa kabila ng mga ups and down patuloy na nagsusumikap ang AFP para makamit ang tiwala, respeto at kumpiyansa ng publiko.



Inihayag ni Faustino na ang lahat ng kanilang pagsisikap sa Kagawaran ay taos puso nilang iniaalay sa Sambayanang Pilipino at ang tanging hiling ng dating kalihim ay ang ikabubuti ng ating bansa.

“I wish nothing but the best for our country, our people, and our President. It was an honor to have had the opportunity to serve the Filipino people in my former capacity as officer-in-charge of the DND. With all humility, I am grateful and deeply indebted to each and every one of you who helped us fulfill our mandate in the Defense Department over these past months,” sabi pa ni Faustino. (Mark Obleada)