Advertisers

Advertisers

Matapos ibalik si Centino as AFP Chief…9 OPISYAL NG DND NAGBITIW!

0 182

Advertisers

KINUMPIRMA ni Department of National Defense (DND) spokesman Arsenio Andolong na pito hanggang siyam na opisyal ng DND ang nagbitiw sa kani-kanilang mga puwesto matapos na magbitiw sa puwesto si DND OIC Jose Faustino Jr..

Ayon kay Andolong, “normal lang yan, pagka-dadating yun bagong Secretary of National Defense hindi lang dito sa DND pag may dadating na bagong principal, bahagi ito ng procedure na magtetender talaga mga co-terminus official na appointed ng Presidente na mag-resign.”

“Basta lahat nung ano na team na dala ni Gen. Faustino, I think that’s about seven or nine of them, hindi ko na mabilang ngayon kung ilan yung ano e, yung third level officials na above Director,” pahayag ni Andolong.



Aniya, kabilang sa nagsumite ng kanilang resignation ay 5 undersecretaries at 4 na assistant secretaries.

Naniniwala naman si Andalong na hindi maapektuhan ang morale ng hanay ng DND at AFP dahil kapwa naman mga professional organization at hindi ito ang first time na nangyari ito, magpapatuloy ang operation ng AFP at DND.

Tumanggi naman si Andolong na magbigay ng komento sa inilabas na statement ni dating DND OIC Secretary Faustino kaugnay ng kanyang pagbibitiw sa puwesto.

“Hindi ko pwedeng bigyan ng comment yan, ano na yan sarili nyang sentiments yun na I didn’t know what he felt ano dun sa ano na yun, naglabas na sya ng statement, he was pointing out to an incident, dun sa, which led to the turnover, hindi na ako pwedeng mag-comment dun kasi hindi ko talaga alam din kung anong nangyari, so yun lang, hanggang dun lang ako,” ani Andolong.

Nauna rito, sinabi ni Faustino na nagbitiw siya sa puwesto matapos na malaman sa mga balita at social media na nagtalaga ng bagong AFP chief of Staff at pagkakaroon ng chain in command na ginanap sa Malacañang. (Mark Obleada)