Advertisers
INAMIN ni National Security Adviser (NSA) Clarita Carlos na nalilito siya sa umano’y nangyayaring transition ng liderato sa loob ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ayon kay Carlos, wala siyang ideya sa palitan ng liderato sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas kung saan ibinalik bilang Chief of Staff ng AFP si Gen. Andres Centino, kapalit ni Lt. Gen. Vicente Bacarro, na itinalaga naman ni President Bongbong Marcos noong August 2022.
Umaasa si Carlos na sana paiiralin ng gobyerno ang meritocracy lalo na sa appointments imbes pulitika ang paiiralin.
Sinabi ni Carlos, hindi siya privy sa surpresang pagpapalitan ng liderato.
Sa kabila ng maraming version sa nasabing usapin, naniniwala ang kalihim na posible ang Republic Act 11709 ang batas na nagpapatibay sa 3 year fixed term sa walong highest positions sa AFP kabilang ang AFP chief.