Advertisers

Advertisers

Singil sa kuryente tataas ngayong Enero

0 130

Advertisers

TATAAS ang singil sa kuryente ngayong Enero 2023 ayon sa Manila Electric Company (Meralco) nitong Lunes.

Sinabi ng Meralco, P0.62 ang kanilang dagdag-singil sa kada kilowatt hour (kwh) para sa January billing.

Katumbas umano ito ng P124 dagdag-singil sa mga kumokonsumo ng 200 kwh, P186 sa konsumong 300 kwh, P248 sa konsumong 400 kwh at P310 sa konsumong 500 kwh.



Ang taas-presyo ay epekto umano ng pagkalas sa kontrata ng planta ng San Miguel sa Meralco.

Mas mahal kasi umano ang presyo ng kuryente sa spot market at emergency supply agreement.

Nasa P4 lang ang presyo sa orihinal na kontrata pero naglalaro ito sa P10 kada kwh sa spot market habang halos P6 sa emergency contract.

Pinayuhan naman ng Meralco ang publiko na magtipid sa paggamit ng kuryente.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">