Advertisers
UMAKYAT na sa 27 katao ang nasawi at 11 ang sugatan, habang 3 ang missing sa pagbaha at landslides dulot ng Low Pressure Area at Shear line, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa inilabas na datos ng NDRRMC, ang 27 nasawi ay naitala sa Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Western Visaya, Central Visaya, Eastern Visaya, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen at BARMM.
Nasa 151,365 pamilya (614,159 individual) ang naapektuhan ng kalamidad kungsaan 20,056 pamilya (83,649 individual) ang nanatili sa 217 evacuation centers, habang 28,947 pamilya (11,519 individual) ang nanunuluyan sa kanilang mga kamag-anak.
Umabot naman sa 1,281 kabahayan ang napinsala kungsaan 369 ang tuluyang nawasak habang 1,281 ang nasira na nagkakahalaga ng P2,410,000.
Nanatili namang hindi madaan ng lahat ng uri ng sasakyan ang 39 kalsada at 13 tulay.
Umakyat na sa P258,372,690 ang pinsala sa agriculture, habang P171,430,996 sa infrastructure.
Walong (8) Cities at Municipalities ang nagdeklara ng State of Calamity mula sa Region 8, Region at Region 10. (Mark Obleada)