Advertisers
“GUILTY” ang naging hatol ng Sandiganbayan laban kay Maguindanao governor Sajid Ampatuan sa kasong ‘graft’ at ‘falsification of public documents’ sa ghost construction projects noong 2009.
Ang verdict ng anti-graft court ay ibinaba noong Biyernes, pero hindi na matagpuan si Ampatuan.
Ayon sa abogado ni Ampatuan, ang kanyang kliyente ay nasa Maguindanao dahil sa “gout”, isang porma ng arthritis.
Ang warrant of arrest ay inisyu na laban sa kanya kasunod ng conviction. Siya ay hinatulan na makulong ng minimum na 65 hanggang maximum na 112 taon na pagkabilanggo.
“Accused Sajid acted with manifest partiality, evident bad faith, and gross inexcusable negligence when he authorized orders and payments for fuel and lubricant products despite the absence of public bidding,” saad ng korte.
Si Sajid ay kinasuhan kasama ang kanyang kapatid na si Andal Ampatuan Jr. sa pag-award ng mahigit sa P22 million halaga ng supply contracts sa Shariff Aguak Petron station na pag-aari ni Andal Jr. na hindi dumaan sa public bidding.
Ang kontrata ay komokober sa supply ng fuel at lubricants para sa iba’t ibang infrastructure projects, kungsaan ay natuklasang mga peke.
Pero si Andal Jr., kasalukuyang nagsisilbi sa kanyang sentensya sa Maguindanao massacre sa New Bilibid Prison, ay napawalang-sala dahil sa kabiguan ng prosekusyon na mapatunayan ang kanyang ‘guilt beyond reasonable doubt’.
Samantala, ang dating provincial at project engineers na sina Yahiya Kandong, Omar Camsa, Anthony Kasan, Akmad Salim at Jaypee Piang ay napatunayan ding guiltysa falsification charges.