Advertisers

Advertisers

ISO certification ng BI, mas pinalawak

0 339

Advertisers

INANUNSYO ng Bureau of Immigration (BI) mas higit pa nilang pinalawak ang kanilang ISO certification upang masakop ang airport at tourist visa extension services.

Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na matagumpay na naipasa ng BI ang surveillance audit na ginawa ng mga eksperto mula sa Societe Generale Surveillance (SGS).

Ang certification ay iginawad sa isang seremonyang ginanap sa punong tanggapan ng BI nitong Lunes, January 16.



Pinagtitibay ng certification ang tuloy-tuloy na pagkilala at pagsunod ng BI sa mga internationally-recognized organizational practices at sa mga hakbang nito na makapagbigay sa mga kliyente ng de kalidad na paglilingkod at serbisyo na pawang mga globally competitive.

Kinilala at sinertipikahan ang BI na nakatugon sa requirements ng ISO 9001:2015 para sa pagpasok at pormalidad na paglabas para sa pangunahing inspeksyon ng mga dayuhan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at Mactan Cebu International Airport (MCIA). Kabilang din sa certification ay ang pagpapalawig ng pananatili ng mga pansamantalang bisita sa BI Main Office.

“The certification is a testament of our continued goal of providing the best immigration service,” sabi ni Tansingco.

“Despite the challenges of the past 2 years, we remain committed in improving the quality of service we give to the public,” dagdag pa nito.

Unang nakuha ng BI ang kanilang ISO certification 9001:2008 noong 2016 at siyang kauna-unahang ahensyang nakadikit sa Department of Justice (DOJ) na naging ISO-certified. Naging matagumpay ang transisyon nito sa ISO 9001:2015 noong 2018. (JERRY S. TAN /JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">