Advertisers

Advertisers

2 tauhan ng BI sibak sa human trafficking

0 147

Advertisers

SINIBAK ng Bureau of Immigration ang dalawang tauhan sa kanilang puwesto dahil sa pagkakasangkot sa mga aktibidad ng ‘human trafficking’.

Ayon sa spokesperson ng imigration na si Dana Sandoval, nakatanggap ang ahensya ng intelligence information na ang dalawa ay nakikipagsabwatan sa “external parties” para gawin ang iligal na aktibidad.

Na-relieve ang dalawa base sa intelligence information at pansamantalang inilagay sa back end office para hindi sila makahadlang sa isinasagawang imbestigasyon sa kaso.



Ayon kay Sandoval, nakatalaga ang isa sa dalawa sa Ninoy Aquino International Airport ,habang nakatalaga ang isa sa Clark International Airport.

Dagdag dito, hindi bababa sa limang taon na silang nagtatrabaho sa Bureau of Immigration.
Liban dito, mahigpit na pinaalala ni Sandoval na magtatapos ang pagkuha ng mga bagong opisyal ng Immigration sa ika-20 ng Enero. (Jocelyn Domenden)