Advertisers

Advertisers

31 NCR ‘NINJA COPS’ NEGA SA DRUG TEST!

0 224

Advertisers

NEGATIBO sa droga ang 31 pulis na nauna nang ipinatawag ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Major General Jonnel Estomo dahil sa umano’y kaugnayan nila sa iligal na droga.

Sinabi ni Estomo na 31 sa 43 pulis na kasama sa kanilang drug watchlist ang sumailalim sa sorpresang drug test nang makipag-dayalogo siya sa mga ito noong Enero 12.

“Ito ay isang magandang senyales sa ating mga kapulisan na pinaghihinalaang sangkot sa illegal drugs na tuluyan nang malinis ang kanilang pangalan dahil sila ay pasado na sa unang yugto ng pagsusuring ating ginagawa,” ani Estomo.



Bahagi, aniya, ito ng determinadong proactive approach ng NCRPO para linisin ang hanay nito at bigyan ng pagkakataon ang mga inosenteng pulis na linisin ang kanilang pangalan at ipagpatuloy ang kanilang serbisyo sa mamamayan.

Nangyari ito nang umapela si Interior Secretary Benjamin Abalos sa mga koronel at heneral ng Philippine National Police (PNP) na magsumite ng kanilang courtesy resignation, kungsaan pinakinggan ni Estomo at pinangunahan ang mga opisyal ng NCRPO sa 100 porsiyentong pagsunod.

Sinabi ni Estomo na lahat ng 76 third-level officers ay nagsumite ng kanilang courtesy resignation.