Advertisers

Advertisers

4 Pulis-Mindanao na adik, sibak!

0 121

Advertisers

NANGAKO ang pamunuan ng Police Regional Office sa Northern Mindanao (PRO-10) na sisibakin nila sa serbisyo ang apat na pulis na nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga.

Sa panayam kay PRO-10 Director, Brigadier General Lawrence Coop, sinabi niyang nakatalaga ang apat na pulis sa Gingoog City, Misamis Oriental. “We recorded this in 2022, and they will also face administrative charges,” Anang opisyal sa pulong balitaan sa Cagayan de Oro City nitong Enero 18.

Karamihan, aniya, ng kasong administratibo sa rehiyon ay may kaugnayan sa paggamit ng illegal drugs.



Tuluy-tuloy, aniya, ang drug testing ngayong taon upang matanggal sa kanilang hanay ang mga pulis na drug addict.