Advertisers

Advertisers

40-anyos na Donaire laban uli sa kampeonato

0 291

Advertisers

KUMPIRMADONG si Nonito Donaire, Jr. ay number 2 mandatory challenger dahil sa kanyang puwesto sa rankings. Lalaban siya sa binakanteng belt ng Pound for Pound star na si Naoya Inoue ng Japan.

Ang talented namang Australian na si Jason Moloney ay nasa opposite corner ni Donaire bilang number one contender.

Kinumpirma ng World Boxing Council (WBC) ang balita: “At bantamweight, champion Naoya Inoue fights WBO champion Paul Butler to get an undisputed champion.



“If he moves up in weight [which he has], Jason Moloney and Nonito Donaire will fight for the vacant title.

“If not, this match will produce the mandatory challenger. Nawaphon vs Gaballo was ordered for the second elimination.”

Ang Moloney vs Donaire ay lilinawin sa mga susunod na araw, kungsaan ito’y seryoso nang pinag-uusapan.

Tinalo ni Inoue si Butler at nakuha ang undisputed championship ng division. Sa loob ng linggong ito, ang Japanese puncher ay aakyat na ng dibisyon, featherweight.

Sa iba pang lower weight classes, pinagtibay din ng WBC ang mga statuses. Ang nakakatawa, ang kapatid ni Moloney na si Andrew ay nakatakdang lumaban sa titulo sa mababang division.



Super flyweight:
– Roman “Chocolatito” Gonzalez vs Juan Francisco “Gallo” Estrada para sa vacant title. Andrew Moloney vs. Pedro Guevara ay inatasan para sa mandatory.

Tinalo na ni Estrada si Gonzalez.

Flyweight:
Champion Julio Cesar Martinez lalaban sa December sa hindi pa kilalang kaaban. Ang kanyang laban kay McWilliams Arroyo ay na-postpone ng anim na beses.

Si McWilliams ay injured ngayon. Si Angel Ayala ay kinumpirmang mandatory. Siya ay available kung anag team ni Rey ay handang lumaban sa December.

Si McWilliams Arroyo ay medically cleared. Ang mananalo sa Martinez vs. Arroyo ay siyang makakalaban ni Angel Ayala.

Light flyweight:
Naipagtanggol ng kampeong si Kenshiro Teraji ang kanyang WBC belt. Si Hekkie Budler ay kumpirmadong mandatory.

Strawweight [minimumweight]:
Ang kampeon na si Panya Pradabsri ay nakaabang sa mananalo sa Luis Castillo vs. Ayanda Ndulani. Ang final elimination sa pagitan nina Ndulani at Castillo ay iniutos na.