Advertisers
IPINAHAYAG ng Philippine National Police Maritime Group na pito katao kasama ang anak na babae ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nareskyu nitong Lunes mula sa nasirang barko sa Samal City, Davao del Norte.
Sa ulat, mag-island hopping sana sa Island Garden City nang masira ang kanilang sinasakyang barko.
Ayon sa report, nagkaroon ng “engine failure” ang barko dahil sa malalaking alon.
Nakatanggap naman agad ang Regional Maritime Unit Operations Section ng tawag sa telepono mula sa Police Security and Protection Group personnel na ireksyu ang mga stranded sa barko.
Dinala na sa regional maritime unit ang mga pasahero ng bangka, na nasa maayos na kalagayan.