Advertisers

Advertisers

Bigtime estapador timbog sa Bulacan, nakadale na ng P110 milyon

0 294

Advertisers

NALAMBAT ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang bigtime estapador sa gitnang Luzon partikular sa lalawigan ng Bulacan na tumangay sa higit P110 milyon mula sa investors.

Sa report na tinanggap ni CIDG Provincial Officer, Major June B Tabigo-on, kinilala ang nadakip na si Gemma Garcia, 50 anyos, ng Barangay Culianin, Plaridel, Bulacan.

Base sa paunang imbestigasyon ni SMS Jayson dela Cruz, dinakip si Garcia 5:30 ng hapon sa bisa ng warrant of arrest sa kasong ‘Estafa’ na inilabas ni Municipal Trial Court Judge Gail B. Avila.



Kabilang sa napasugod sa CIDG si Franco Valencia mula sa bayan ng Paombong na unang nag-invest ng P15 milyong piso, habang si Isagani Cruz ng San Ildefonso ay natangayan naman ng P3 milyon.

Habang ang OFW na seawoman na si Mary Jalynne Castro ng Guiguinto ay natangayan ng P336K maging ang kanyang kapatid ay nadale ng P336K.

Bagama’t rehistrado at may permit ang Gemary Builders Corporation, modus ni Garcia ang pag-aalok ng “hauling” na sila narin ang bibili ng truck para sa malalaking kontrata ng hauling. Subali’t makalipas ang 3 taon, nawala ang pangakong malaking kita sa kanilang pera, at wala rin ang ipinangako na damptruck.

Nabatid na marami pang investor mula sa Cagayan, Batangas, Quezon province, at Mindanao ang nabikima ni Garcia.(Thony D. Arcenal)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">