Advertisers
NASAWI ang isang estudyante nang barilin habang ipinaparada ang kanyang motorsiklo sa Isabela City, Basilan.
Kinilala ang biktima na si Omaer Unsang Atta, 22 anyos, estudyante ng Basilan State Colloge, at residente ng Barangay Tabuk, Isabela City.
Ayon kay Police Major Shellamie Chang, spokesperson ng PRO9, naganap ang pamamaril sa Brgy. Sumagdang.
Sa ulat, ipinaparada ng biktima ang kanyang motorsiklo nang lapitan ng ito dalawang ‘di nakikilang lalaki, at paggtapat sa biktima ay kaagad pinaputukan sa iba’t ibang bahagi ng katawan na ikinasawi noon din.
Agad na tumakas ang mga salarin patungo sa Silangang bahagi ng Brgy. Sumagdang.
Narekober ng mga otoridad sa pinagyarihan ng insidente ang 6 basyo ng bala ng caliber 45.
Patuloy ang isinagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa krimen.(Mark Obleada)