Advertisers
NASAWI ang isang mataas na lider ng New People Army (NPA) at kasama nito sa engkwentro sa pagitan ng militar at rebelde sa Maitum, Sarangani Province.
Kinilala ang nasawi na si Arnold Laugo Amad alias “Kempee Maguan” at “Bambam”, 2nd Deputy Secretary ng Guerrilla Front Musa Far South Mindanao Region; at kasamahan nitong si alias Saysay.
Ayon kay Lt. Colonel Rey Rico, 34th Infantry Battatlion Commander, naganap ang engkwentro sa pagitan ng mga sundalo at rebelde sa pamumuno ni Anthony Narvasa alias Magaw, Secretary ng Guerilla Front Musa, ng Far South Mindanao Region sa Brgy New LA Union, Maitum.
Isinagawa ang operasyon ng mga sundalo nang matukoy ang pinagkukutaan ng mga rebelde sa nasabing Barangay.
Nagpapatrulya ang mga sundalo nang masabat ang mga rebelde at nagsimula ang palitan ng putok sa panig ng dalawang grupo.
Tumagal ang engkwentro ng 10 minuto na nagresulta ng pagkasawi ni Amad at kasama niya habang tumakas ang ibang kasamahan nila sa ibat ibang direksyon.
Narekober ng mga sundalo sa pinangyarihan ng engkwentro ang isang caliber 45. (Mark Obleada)