Advertisers

Advertisers

Na-bash ulit…Alex pinagdiskitahan ang kilikili ni Pia

0 249

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

HANGGANG ngayon ay pinag-uusapan pa rin ang nag-circulate na video ng pagpahid ni Alex Gonzaga ng icing ng cake sa mukha ng waiter sa kanyang kaarawan.
Hindi tinantanan ng pambabatikos ang YouTuber actress dahil sa umanoý ‘pambabastos’ nito sa nasabing empleyado ng restaurant.
To the rescue naman ang kampo ni Alex at sinabing close friend nila ang nabanggit na waiter at hindi raw naman gagawin ng aktres ang panggu-gudtaym sa huli kung hindi ito malapit sa pamilya.
Gayunpaman, marami pa ring netizens ang kinokondena ang ginawa ni Alex.
Lumutang naman ngayon ang isang video na kasama ni Alex sa isang okasyon si 2015 Ms. Universe Pia Wurtzbach sa guesting nito.
Habang nagsasalita ang beauty queen, pinagdiskitahan nitong hawakan ang kilikili ni Queen P.
Dahil dito, umani na naman ng bashing ang TV host-actress sa kanyang pinaggagagawa.
Hirit nila, wala raw sa lugar ang ginawa nitong pagsundot sa armpit ni Pia lalo pa’t hindi naman sila ganoon ka-close kahit pa in the spirit of merriment or cracking jokes.
Ito ang ilang komento ng netizens sa nasabing video.
“Kayo na humusga hahahahaha! Ngayon nyo sabihin na hindi sya bastos at may ADHD lang sya kaya nya ginagawa mga bagay na hindi appropriate sa mga tao..”.
“Alex Gonzaga trending as always for all the horrible reasons.”
“You were all bashing Alex Gonzaga and calling her Bastos but at the end of the day you’re still going to binge watch her vlogs and laugh with your friends. Negative publicity is still publicity.” “Nothing to lose here. Talk of the town siya. She’s still earning millions”
“Not surprised with Alex Gonzaga trending again because of her “character”. You might change behavior but it will take longer process to change one’s character.”
“As much as we shouldn’t bring up the miscarriage issue towards Alex Gonzaga and her husband Mikee, parang blessing in disguise yun para sa bata. Imagine ganon ugali ng parents mo? No respect sa servants? The baby literally dodged a bullet.”
Bukod sa nasabing video, nagsulputan din ang mga isyu tungkol sa umano’y attitude problem ni Alex noon habang katrabaho si Dina Bonnevie at ang testamento ng ilang production people na diumanoý dismayado nang maka-work ang aktres.