Advertisers
NABIGO sa second round ng Australian Open si defending champion Rafael Nadal.
Tinalo siya ni ranked 65th American Mackenzie McDonald sa score na 6-4, 6-4, 7-5.
Ito na ang major upset at pinaka hindi magandang Grand Slam result sa loob ng pitong taon.
Nagkaroon pa ng medical timeout ang 36-anyos na Spanish player matapos na nasaktan niya ang kamay.
Huling maagang natapos ang kampanya ni Nadal sa Australian Open ay noong 2016 sa unang round.
Hindi naman makapaniwala si McDonald ng talunin niya si Nadal.