Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
IPAGDIRIWANG ni Senadora Imee Marcos ang Year
of the Water Rabbit sa dalawang bagong vlogs na
libreng mapapanood ngayong weekend sa kanyang official YouTube channel.
Sa Enero 21, Sabado, pasisilipin ni Sen. Imee ang kanyang mga subscribers sa katatapos lamang na pagbisita sa Tsina kasama ang Pangulong Bongbong Marcos kung saan nakipagpulong sila kay Pangulong Xi Jinping at iba pang matataas na opisyal ng gobyerno ng Tsina.
Layunin nitong lalo pang mapalawig ang samahan ng Pilipinas at ng People’s Republic of China.
Ang episode naman sa Enero 22 ay ipapakita ang partisipasyon ni Senadora Imee sa Chinese New Year reception na ginanap sa Grand Hyatt Manila.
Ang okasyon na ito, na pinamunuan ng Chinese Ambassador to the Philippines na si Huang Xilian, ay nagpakita ng cultural exhibit at highlighted din ito ng isang artistic dance performance mula sa mga Tsino at Pilipinong mga artist.
Ang senadora ay kilala bilang isang masugid na taga-suporta ng kultura at sining.
Samahan natin si Senadora Imee sa kanyang Chinese New Year celebration at mag-subscribe sa https://www.youtube.com/c/ImeeMarcosOfficial/featured.