Advertisers

Advertisers

3M pamilyang Pinoy nakaranas ng gutom sa huling quarter ng 2022 – SWS

0 189

Advertisers

LUMABAS sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na nakaranas ng gutom ang nasa humigit kumulang 3 million o 11.8% ng mga pamilyang Pilipino ng kagutuman sa nakalipas na tatlong buwan o huling quarter ng 2022.

Ang survey ay isinagawa mula Disyembre 10 hanggang 14 ng nakalipas na taon kung saan lumalabas na bahagyang mas mataas ito kumpara sa inilabas na survey noong Oktubre 22 na nasa 11.3% o 2.89 milyong pamilya ang nakaranas ng gutom habang 11.6% o 2.95 milyong pamilya naman noong Hunyo ng 2022.

Napag-alaman din sa survey na karamihang nakararanas ng gutom ay sa Mindanao na may 12.7% na mga pamilya, sinundan ng Visayas (12%), Metro Manila (11.7%), at Balance Luzon (11.3%).



Ayon pa sa survey firm, ang 0.5-point na pagtaas sa pangkalahatang kagutuman sa pagitan ng Oktubre at Disyembre noong 2022 ay dahil sa pagtaas ng insidente ng nagugutom sa dakong Visayas at Balance Luzon kasabay ng pagbaba sa Metro Manila at Mindanao.