Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
MATAGAL na ring hindi tumitikim ng alak ang magaling na actor na si Baron Geisler kaya naman nagpapasalamat siya na napagtatagumpayan na niyang maka-recover bilang alcoholic.
“Ako kasi nababaliw ako kapag umiinom ng alak so let’s stay away from that,” sey niya.
Gayunpaman, ayaw naman daw niyang sabihing isinumpa na niya ang pag-inom ng alak dahil minsan ay hindi maiiwasan ito kapag dumadalo siya ng socials o nakikihalubilo sa ibang kasamahan sa trabaho o negosyo.
Sa ngayon kasi, nako-kontrol na niya ang pag-inom at alam na niya ang kanyang limitasyon.
“Basta ang sa akin lang, be responsible about your drinking and be a kind person. That’s what I’m striving for on a daily basis — to be kinder, to be more understanding, to be faithful, to be generous, to be smarter than what I was yesterday,” paliwanag niya.
Hirit pa niya, maganda rin daw ang naging epekto hindi lang sa kanyang pangangatawan kundi pati sa pag-iisip mula nang mabago na ang kanyang lifestyle.
“Actually, ang daming nabago. Natutuwa nga ako kapag pinapansin ng entertainment press na ‘Baron, bumata ka’ and it’s because of my mind. My mind is away from all the negativity. And even kapag may pumasok na problems or pagsubok sa buhay, if we have a big God, malalagpasan po natin lahat,”pagbabahagi niya.
Kaya naman sobrang nagpapasalamat siya sa tiwalang ibinigay sa kanya ni Pastor Rolando Garcia, Jr., may-ari ng Lemonyo na maging first brand ambassador ng kanilang mga produkto sa kabila ng kanyang ‘bad boy’image noon.
“I want to say na itong pagkakataon na ibinigay sa akin ng Lemonyo this January nitong taong ito is such a blessing. I have been wanting to build a home for my family in Cebu. Ito ay ilalaan ko talaga para makapagpatayo ng maliit lang na bahay para lang na aking pamilya at maraming salamat sa Lemonyo at dahil doon, nag-usap nga kami ni Pastor, ilalagay ko po ang Lemonyo fund ( o anumang kikitain ko) specifically po sa itatayo namin ni Jamie (her wife) para sa aming pamilya. Dream come true po ito. Answered prayer ni God,” ani Baron.
Dagdag pa ni Baron, bet na rin daw niyang magpaka-wholesome dahil kasama raw sa kontratang pinirmahan niya sa nasabing brand ay ang kondisyong hindi na siya puwedeng maghubad tulad ng ginawa niya noon sa Vivamax movies.
Ito rin daw ang dahilan na ang susunod na proyekto niya ay sa Viva Prime na ang makakatambal niya ay si Cristine Reyes.
Sa nabanggit na press conference, dumalo rin ang Chief Marketing Officer ng Lemonyo na si Karen Gayle Oblea para saksihan ang contract signing ng aktor bilang product endorser.