Advertisers

Advertisers

Iya at Drew paparating na ang baby No. 5

0 328

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

MUKHANG may bagong eksena sa pamilya ng mag-asawang Drew Arellano at Iya Villania, na tila nagpaparamdam ang dalawa na ang kanilang ika-5 anak ay paparating na.
Sa isang social media account ng mag-asawa ay tila may dina-dub silang isang foreign film at ang sinasabi ng lalake sa babae ay ‘you want more?’ at sagot naman ng babae ay ‘Yes, i want more’ sabay tawa ng malakas ni Iya.
Last 2014 nang magpakasal sina Iya at Drew, sa loob halos ng 12 taon na pagsasama nila bilang couple ay nabiyayaan sila ng 4 na anak. Si Primo, the eldest son is five (5) years old. Their second son, Leon, is three (3) years old while their only daughter, Alana, is one (1) year old youngest member of their family, Astro, na halos 8 months palang.
Naging masaya ang reaksyon ng mga netizen sa unti-unting paglaki ng pamilya nina Drew at Iya. Narito ang ilan sa mga positibong komento:
@mydummpy1989: “Yes sana baby girl naman”
@kiel.seya_dotcom: “Sana all ganyan pa din kaganda kahit moree and moreee”
@iiiammaiiiii: “Hahaha parang natatakot na ahh @drewarellano”
@gracelelix: “Hahahah walang byahe kuya drew?”
@carnation.garden: “Duday # 2! Double the cuties!”
***
BUSOG na busog pala sa pangangalaga ng kanyang leading man si Sunshine Guimary, sa latest movie na ginawa niya, ang sexy/fantasy/comedy movie na written and directed by Xian Lim, ang “Hello Universe”. Magsisimula na itong ipalabas sa mga sinehan nationwide starting January 25.
Suwerte raw kasi siya na generous ang leading man n’yang si Janno sa kanilang mga eksena. Kaya itinuturing ni Sunshine si Janno as one of her best leading men.
Sa “Hello Universe” ay lumabas si Sunshine bilang asawa ni Janno sa alternate universe kung saan sila napunta ng kanyang bespren sa movie na si Anjo Yllana.
“Ako, I’m so lucky. Si Kuya Janno, s’ya ’yong artista na mapagbigay. Giver s’ya sa lahat. For example, ‘Gawin natin ’to.’ Nagko-collaborate kayo. May communication talaga kayo. Yon ’yong pinaka the best kapag may co-star ka. Kaya that’s why Kuya Janno is one of the best co-stars for me,” say ni Sunshine.
Ang isa ring napuna kay Sunshine ng kanyang co-stars sa naturang movie ay ang pagiging natural comedienne nito. Marahil siguro ay nahasa na ang kanyang pagiging komedyana sa nauna niyang pelikulang may temang sexy/comedy, ang “Kaka” at ngayon nga ay ang “Hello Universe”.