Advertisers

Advertisers

Botohan para sa BSKE target gawin sa ilang shopping malls – Comelec

0 154

Advertisers

PLANO ng Commission on Elections (COMELEC) na buksan ang botohan para sa Barangay at Sangguniang Kabataan sa Oktubre sa ilang shopping malls.

Sinabi ni Commissioner George Erwin Garcia, kabilang sa mga ikinokonsidera nilang mapaboto sa mga mall ay ang mga seaman na hindi pa nakasasampa sa barko at ang mga kasapi ng media para sa local absentee voting.

Sa ngayon aniya ay pinag-aaralan pa nila ang plano at iaanunsyo sa oras na maging maayos.



Ayon pa kay Garcia, na kung magiging matagumpay ang implementasyon nito ay posibleng gawin ito sa Eleksyon 2025.