Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SA kabila ng paghingi ng sorry ni Alex Gonzaga sa waiter na binastos nito ay may patuloy pa ring netizens na bina-bash ang sissy ni Toni Gonzaga.
Ang paghingi raw ng sorry ng host ng LOL ay inaabangan para tatantanan na siya ng basher.
Pero di pa rin ligtas si Alex sa pambabatikos.
Muling binuhay ang video ni Ms.Dina Bonnevie na naka-repost ang pag interbyu kay Ms. D kung sino bang bagitong aktres na laging late na pinaghihintay ang mga senior star.
Di man binanggit ni Ms. D kung sino ang bagitong aktres na ito ay tukoy ng netizens na si Alex ito.
May ginawa ring video si Alex na interbyu ni Ms. D na pa-blind item pa ang peg ng sissy ni Toni na nagpapaliwanag.
Tinarayan daw siya ng matandang artista at knows na nga ng netizens na si Ms. D ang pinatutungkulan nito.
Maraming abangers na netizens kung kailan naman ito magso- sorry kay Ms. D na sinabihan ni Alex na matandang artista.
Abangan!
***
USAPAN ngayon ang pagsasama sa isang bubong nina James Reid at Liza Soberano sa Amerika.
Kaya naman samu’t saring reaksyon ang post sa isang platform hinggil dito.
Pero bukod sa kanila ay may kasama rin silang mga binuo na production staff ni James sa nasabing bahay sa Amerika.
Ayon sa netizens, napakamahal daw ng upahan sa Amerika na katumbas na ng pagbili ng bahay sa Pinas.
Kaya praktikal lang ang ginawa nina James at Liza para makatipid.
May komento na paano na ang bf ni Liza na si Enrique Gil na nandito sa Pinas.
Kaya hirit pang komento ng netizens na huwag naman daw sana ma-develop sa isa’t isa sina Liza at James ngayong magkasama na sila sa isang bahay sa Tate.
Susog ng isang netizen na malabo naman daw na palitan at malimutan na nito ang bf na iniwan sa Pinas na si Enrique na love na love nito.
Hmmmp!? Well, well, well…’Yun na!