Advertisers

Advertisers

EX-CHIEF OF STAFF NI ENRILE PINALAYA PAGKATAPOS NG 9 YEARS PAGKAKULONG SA PLUNDER

0 276

Advertisers

NAKALAYA ang dating chief of staff ni ex-Senator Juan Ponce Enrile na si Atty. Jessica Lucila “Gigi” Reyes matapos ang halos siyam na taon na pagkakakulong.

Ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), pinalaya si Reyes mula sa Taguig City Jail Female Dormitory.
Naaprubahan ng First Division ng Supreme Court ang petition ng ‘Habeas Corpus’ nitong Enero 17, 2023.

Sinabi ni Jail C/Insp. Jayrex Joseph Bustinera na mayroon parin mga kondisyon sa paglaya ni Reyes. Dapat itong dumalo sa pagdinig sa criminal case na isinampa ng Sandiganbayan.



Kabilang din dito ang pagsumite niya tuwing tatlong buwan sa Clerk of Court ng Sandiganbayan kung nasaan siya, kailangan humingi ng travel authority sa Sandiganbayan kung magbabiyahe ito, at ang panghuli ay dapat magsumite ito ng report kada tatlong buwan na nasusunod ang nasabing mga kondisyon.

Base sa 19-pahinang resolution mula sa First Division ng Supreme Court, labis ang pagkakakulong kay Reyes na nalalabag na ang kaniyang karapatan para maging malaya.

Taon 2021 nang maghain ang abogado ni Reyes na si Estilito Mendoza ng ‘petition for habeas corpuz’ na nagsasaad ng karapatan nito ng mabilisang paglilitis.

Nahaharap si Reyes at Enrile sa kasong ‘Plunder’ na may kaugnayan sa pork barrel scam kungsaan tumanggap umano ang senador ng P172.8 milyon na kickbacks mula sa tinaguriang “pork barrel queen” na si Janet Lim Napoles.

Taon 2015 napalaya si Enrile dahil narin sa edad, pinagpiyansa ng P1 milyon.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">