Advertisers

Advertisers

EX-DILG USEC. DIÑO INIREKLAMO NG PHIL. COAST GUARD

0 108

Advertisers

SINAMPAHAN ng reklamo ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Securities and Exchange Commission (SEC) at Bataan Prosecutor’s Office ang anito’y incorporators sa umano’y bogus auxiliary group ng ahensya.

Kabilang sa incorporators si dating DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño.

Sinabi ni Coast Guard Spokesman Armand Balilo, may natanggap silang report na nagre-recruit ang grupo at humihingi ng bayad para sumali sa kanilang organisasyon.



Nagsampa na ang PCG station Bataan ng mga kasong Estafa, Usurpation of Authority at Unlawful Use of Logo at Insignias laban sa grupo ni Diño na umano’y nakapag recruit na ng 500 residente ng Balanga City.

Makikipag-ugnayan na rin ang PCG sa NBI at PNP para maaresto ang mga sangkot sa nasabing insidente.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More