Advertisers

Advertisers

‘Fast Talk’ pagmamay-ari ni Kuya Boy

0 173

Advertisers

Ni FAVATINNI SAN

TINUTUKAN ng ating mga kababayan ang “Fast Talk” ni Boy Abunda. Sa initial airing ay si Marian Rivera ang guest, sinundan ng bagong kasal na sina Glaiza de Castro at David Rainey at sa Miyerkules, panauhin si Alden Richards.
Alam ba ninyo, copyright mismo Ng King of Talk TV ang salitang Fast Talk?
Yes, Ms. Blessie, it’s 20 minutes pero malaman at kaiba ang pagtatanong na duon lang nila mapapanood. Umeere ito 4:05 hanggang 4:25, Lunes hanggang Biyernes.
Pero, marami ang umaangal sa timeslot kasi ang iba raw ay nasa trabaho. Sana ay gawing pre-programming ng “24 Oras.”
Well, we still congratulate Kuya Boy at kanyang staff.
***
SARAH JAVIER BILANG CRYING LADY, HAHANGAAN
HINDI inaasahan ni Sarah Javier na siya ang napiling gumanap bilang Rebecca Quijano sa movie na Ako Si Ninoy. Si direk Vince Tañada ay inalalayan si Sarah. Nakausap ng bunsong anak ni mommy Lily ang crying lady na siya mismong witness kung paano binaril si Benigno ‘Ninoy’ Aquino.
“Nakaharap, nakausap ko si Ms. Rebecca na nagbigay ng pointers kung ano ang tamang emosyon.
Kaya sa syuting namin sa tarmac, Subic International Airport..maganda na ako sa pagharap sa kamera. Before shooting, panay panonood ko ng documentaries sa YouTube sa pagkamatay ni yumaong Ninoy Aquino.
Pangalawang pelikula ito ni Sarah, mauna ang Bangkay. Siya nga pala, sa digital platform, Ang “Pangakong Napako”, si Sarah mismo ang nag-composed and arranged by Elmer Blancaflor.