Advertisers

Advertisers

Sylvia Sanchez dedma sa bashers ni Ria Atayde

0 145

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

DEDMA ang award-winning actress na si Sylvia Sanchez sa mga bitter na bashers na walang alam kung hindi ang bumatikos ng ibang tao. Hinggil ito sa pagiging 2023 White Castle Whisky calendar girl ng magandang anak niya.
Wika ni Ms. Sylvia, “Mayroong nangba-bash kay Ria pero wala akong pakialam sa kanilang lahat. You know why? Masaya ang buhay ng anak ko, masaya kaming pamilya. Okay ang anak ko. So, bakit ko iintindihin iyong mga bashers na mga walang mukha?
“Mas priority ko ang kaligayahan ng anak ko, mas importante sa akin si Ria kaysa sa mga bashers. May kasabihan nga, kapag inggit, pikit,” ito ang diretsahang pahayag ni Ms. Sylvia nang makapanayam ng mga taga-media sa grand opening ng Beautederm Corporate Headquarters sa Angeles City.
Dagdag pa ng proud na ina sa calendar ni Ria, “Iyong tatlong iyon ibibigay ko kay Ria at nagpa-frame din ako ng tatlo para sa akin.”
Nabanggit pa ni Ms Sylvia ang kahulugan niya ng pagiging sexy.
“Kung alam kong maganda naman, bakit hindi? Ang plano kasi nila kay Ria, ang ganda ganda, in-explain nila ang ganda, ganda, ang sosyal sosyal.
So sabi ko, ‘Why not, ‘di ba?’ Kasi for me, hindi naman sa pagiging payat ‘yung pagiging sexy. Tumitingin ako sa pagiging sexy sa tao, paano siya mag-alaga ng kapwa niya, paano siya bilang tao, kung mabuti siyang tao, ano ‘yung talino niya.
“Ang katawan kasi puwede kasi iyang i-exercise eh, puwede kang maging sexy. Pero para sa akin, ang kabuuan ng pagiging sexy sa akin, kung mabuti kang tao. Ang sexy sa akin ang puso ng tao.
“Mas gusto kong makita iyong sa sinasabing may laman or voluptuous kaysa sa payat na masama ugali. Mas gusto ko sa voluptuous na mayroong mabuting puso. ‘Yun ang sexy para sa akin,” sambit pa ng aktres.
Anyway, congrats sa lady boss ng Beautederm na si Ms. Rhea Anicoche Tan sa napakagandang building na naipundar niya mula sa blood, sweat and tears na resulta ng kanyang hard work.
Star-studded ang grang opening and ribbon-cutting ceremony ng sosyal at magarang Beautederm Corporate Headquarters. Bukod kay Ms. Sylvia, kabilang sa ambassadors na present dito sina Bea Alonzo, Korina Sanchez, Lorna Tolentino, Anna Feo, Ynez Veneracion, Darren Espanto, Boobay, at Alynna Velasquez.
Ang nasabing establishment ay masasabing isang one stop shop dahil may sariling coffee shop ito, ang Beaute Beanery, high-end boutique na A-list Avenue, ang high tech na derma clinic na BeauteHaus, at mayroon din ditong studio for pictorials and photo shoots.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More