Advertisers

Advertisers

Janah Zaplan, astig ang tatlong revival songs

0 32

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

NAKAHUNTAHAN namin recently ang magandang singing pilot na si Janah Zaplan sa birthday celebration ni katotong Cesar Ian Batingal na ginanap sa Kamuning Bakery.

Mula pa noong 2021, si Janah ay under ng Star Pop record label na subsidiary ng Star Music.



Sa aming tsikahan ay nalaman namin na siya ay mayroong tatlong astig na revival songs.

Esplika ni Janah, “I was so lucky enough to be tapped by the management na makasama po sa project na ito. It’s a reviving of a few songs, and those songs are very highly known and I’m lucky enough… it’s called ‘Kinikilig’ by Bini, ‘Cool Off’ ni Yeng Constantino, and then ‘Sukob Na’ ni Aiza Seguerra po. Ayon po, iyon pong tatlo.”



Out na ba ito sa mga online streaming app?

“It’s not yet out, ano pa lang po… in the process pa lang po… Hindi pa po namin alam actually kung ano iyong next step, pero na-record ko na po iyong tatlong songs.”



Pero, ano ba iyong latest song na na-record niya?

Aniya, “Iyong na-release pong new single ko, ini-release last June this year po. That was recorded two years ago, iyong song ay ‘Love and Celebrate.’

“It’s just really about spreading love and possitivity and inclusivity to everybody. I want them to, you know, feel the love and energy that you all can get for the day.”

Love songs ba iyan? Inspirational?

Tugon niya, “No po, it’s more of a hype song… you can say na inspirational, more of an everyday anthem for you to have a very good vibe, everyday.”

Ang singer/recording artist/actress na si Janah ay kilala rin bilang isang magaling na volleyball player. Bukod dito, siya ay nagtapos sa kolehiyo bilang Cum Laude sa Air Link International Aviation College ng kursong Bachelor of Science in Aviation, major in Flying.

Dream niya talaga ang maging piloto at ngayong natupad na niya ito, nasabi rin niya sa amin na kung ano ng dumating sa kanyang opportunity ngayon ay iyon ang tatanggapin niya.

Pero sa ngayon ay tunututukan niya talaga ang paghahasa pa ng kanyang skills sa pagiging piloto.

Aniya, “So for now, I feel like I’m leaning towards that part of my life, iyong pagiging piloto po.

“But I’m also happy, kasi at least kahit paano, even if I’m doing this, there are also opportunities coming in for me sa singing career ko rin po,” nakangiting sambit pa ng talented na si Janah.