Advertisers

Advertisers

Janine inamin, sabik na kay Zanjoe

0 80

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

MARAMING papuri ang natatanggap ng bagong serye ng Kapamilya Network na “Dirty Linen.” Bukod sa ganda ng istorya ay maraming magagaling na suporta mula sa mga batikang aktor ng bansa tulad nina Janine Gutierrez, Dolly De Leon, Janice de Belen, Joel Torre, Susan Africa, Tessie Tomas, Soliman Cruz, Epy Quizon, John Arcilla, Tessie Tomas, JC Santos, Xyriel Manabat, Raven Rigor, Christian Bables, at marami pang iba.
Si Zanjoe Marudo ang leading man ni Janine samantalang nasa lead cast din ang mga bagets na sina Seth Fedelin at Francine Diaz. Maraming humuhula na tulad ng super success na “Broken Marriage” ay magiging hit din itong bagong serye ni Janine sa Kapamilya Network.
“This is a team effort all the way. I refuse to think that I carry the entire weight of the show on my shoulders. The idea will most likely kill me,” say ni Janine.
“One of the things that is special about this show is its awesome ensemble. The stories of these characters are all interesting enough for you to take time to follow them. Each of them has dirty linen in the closet but at the same time, each has goodness to share,” dagdag pang say ni Janine.
Inamin din ni Janine na excited siyang makatambal si Zanjoe dahil first time niya raw makakasama ang aktor sa isang serye.
“The story starts with us not knowing each other, so it helped that we hadn’t had the chance to bond before taping. We tried to get acquainted with each other while we were already on the set. At least, we were able to reflect in real life what our characters are going through in the story,” sey pa ni Janine.
***
MERCEDES CABRAL MAS FEEL ANG MGA DATAN KAYSA BAGETS
INAMIN ng magaling na aktres na si Mercedes Cabral, ang bidang babae sa 3rd episode ng bagong movie ng Vivamax ang “Erotica Manila”, na may titulong ‘The MILF and the OJT’, katambal ang young actor na si Vince Rillon, na sa totoong buhay ay mas feel niyang karelasyon ang mga lalakeng much older than her age.
Iikot kasi ang kuwento ng episode nila sa buhay ng isang middle-aged sexy actress na magkakaroon ng sexual affair sa isang mas nakababatang production intern.
“I guess I’m more attracted to older men or more mature or ’yong maturity level namin siguro mas pantay,” say ni Mercedes.
Paano naman ang mga young of age nga pero mas matured at advance ang pag-iisip?
“I guess, for me, it depends, e. Maturity naman doesn’t come with age, e. I guess it’s based on the decisions that you make and actions that you make doon sa mga sitwasyon na ibibigay sa’yo. So, there are people talaga naman na very mature kumpara sa age nila. And I guess, para sa akin, depende, e,”.
“Kung mas bata sa akin pero well-read and madami kaming common factor then I guess, yes, maa-attract ako. But for me, personally talaga, I go for older men,” saad pa ni Mercedes.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More