Advertisers
SINIMULAN na nitong Sabado, Oktubre 31, ng militar at pulisya, maging ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagtugis sa wanted ng Internatrional Criminal Court (ICC) na si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.
Si Dela Rosa ay may patong sa ulo na P70 million, ang P20m ay galing sa mayor ng Cagayan de Oro City na si Klarex Uy at ang P50m ay mula national government.
Wanted si Dela Rosa sa kasong crimes against humanity. Isa siya sa tatlong co-perpetrators ni dating Pangulo Rody Duterte. Higit isang taon nang nakakulong si Duterte sa ICC facility sa The Hague, Netherlands.
Sinasabing kinakanlong si Dela Rosa ng organisadong armed group sa Mindanao, na kapag pinuwersa raw iopereyt ng mga awtoridad ay malamang dadanak ang dugo, higit 10,000 katao raw ang masasawi.
May nabasa akong post sa social media na nasa kampo ng kilalang MILF commander na si Bravo si Dela Rosa. Ang dalawa ay matagal nang magkaibigan.
Sinabi raw ni Commander Bravo na hindi nila ibibigay si Sen. Bato. Kung totoo ito, talagang marami ang mamamatay kapag nagkabakbakan.
Kung nasa kampo nga ni Commander Bravo si Bato, dapat mamagitan ang MILF Chairman. Isuko nila dapat si Bato sa gobiyerno para maiwasan ang madugong engkuwentro.
Oo! Hindi dapat magkanlong ng wanted sa batas ang MILF. Irespeto nila ang gobiyerno, tulad ng pagrespeto ng pamahalaan sa kanilang grupo. Mismo!
***
Tinanggihan ng Sandiganbayan First Division ang mosyon ng kampo ni dating Health Secretary Francisco Duque III na alisin sa listahan ng mga testigo ang dalawang opisyal ng Department of Health (DOH) sa kasong graft na may kaugnayan sa “iregularidad” ng paglilipat ng mahigit P41.46 bilyong pondo para sa COVID-19 supplies.
Kabilang sa mga testigong pinayagan humarap sina Dawnavi Lae Lacsado at Abegail Conchada, na ayon sa prosekusyon ay magpapatunay na may kakayahan ang DOH na bumili ng kinakailangang medical supplies nang hindi dumaraan sa Procurement Service ng Department of Budget and Management.
Iginiit ng kampo ni Duque na maaaring maulit lamang ang mga naunang testimonya, nguni’t sinabi ng prosekusyon na mahalaga ang pagharap ng dalawang opisyal upang maipaliwanag ang tungkulin at kapasidad ng DOH sa procurement.
Nahaharap sina Duque at dating DBM Undersecretary Christopher Lloyd Lao sa mga kasong may kaugnayan sa transaksiyon, kungsaan P11.5 bilyon umano ang ibinayad sa Pharmally para sa mga face mask, face shield, test kit at iba pang medical supplies. – Mula sa post ng Korap Republic
Si Duque ay appointee ni dating Pangulo Rody Duterte, habang si Lao ay “bata” ni Sen. Bong Go. You know!!!