‘Kano na nangmolestya ng PWD, arestado – BI
Advertisers
NAARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang American national na wanted ng mga awtoridad sa State of Texas sa pangmomolestya sa isang babaeng may kapansanan tatlong taon na ang nakakaraan.
Sa isang pahayag, kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang pugante na si Calvert Leroy Cummings, 68, na nasakote noong Jan. 17 sa iaang subdivision sa Novaliches, Quezon City ng mga elemento fugitive search unit (FSU) ng BI
Ang pag-aresto kay Cummings, ayon kay Tansingco ay hiningi ng US authorities sa Maynila na humiling din ng deportasyon nito upang humarap sa korte para sa krimeng kinasasangkutan nito.
Si Cummings ay ipatatapon pabalik ng Amerika matapos na maglabas ang BI board of commissioners ng order para sa summary deportation nito, sabi ng hepe ng BI.
Nabatid din na ang Amerkano ay ilalagay sa immigration blacklist at hindi na maaaring makapasok ng bansa.
Sinabi naman ni BI-FSU chief Rendel Ryan Sy na si Cummings ay nilabasan ng arrest warrant ng korte ng Aransas County, Texas noong September 2019 matapos na siya ay kasuhan ng aggravated sexual assault. Ang kanyang biktima ay isang may kapansanan.
Lumipad patungong Pililinas si Cummings para takasan ang umaaresto sa kanya pati na ang prosekusyon ng kanyang kaso.
Pansamantalang nakapiit si Cummings sa BI’s facility sa loob Camp Bagong Diwa, Taguig habang hinihintay ang kanyang deportation. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)