Advertisers

Advertisers

6 sakay ng ‘missing’ Cessna plane tukoy na!

0 260

Advertisers

ISANG piloto at limang pasahero ang sakay ng nawawalang Cessna plane RPC 1174 sa Isabela nitong Martes, Enero 24.

Kabilang sa sakay ng eroplano si Capt. Eleazar Mark Joven (piloto) at limang pasaherong sina Tommy Manday, Val Kamatoy, Mark Eiron Seguerra, Xam Seguerra, at Josefa Perla España, ayon sa pahayag ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Sa report ng CAAP, 2:15 ng hapon nang mag-takeoff sa Cauayan Airport ang eroplanong patungong Maconacon.



Pero hindi dumating sa Maconacon Airport ang eroplano matapos ang huling pakikipag-usap ng piloto nito sa air traffic controller 2:19 ng hapon.

Sinabi ni CAAP Spokesman Eric Apolonio na 2:45 ng hapon ang inaasahang pagdating ng eroplano sa Maconacon.

Matapos aniyang mawalan ng contact ang air traffic controller sa eroplano, agad na nagsagawa ng search and rescue operation ang mga awtoridad. Ngunit nabigo ang mga ito na mahanap ang eroplano dahil sa sama ng panahon.