Advertisers

Advertisers

‘Cop killer’ nagtago ng 10 taon, nakorner sa Guimaras

0 176

Advertisers

MAKARAAN ang 10 taon pagtatago, natimbog ang tinaguriang most wanted person sa kasong pagpatay sa isang pulis sa Batangas.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office, naaresto ng mga tauhan ng Tanauan City Police Station, Anini-y Municipal Police Station ng Antique Police Provincial Office at Jordan Municipal Police Station ng Guimaras Police Provincial Office ang suspek na si Cesar Andal , 61 anyos, tubong Tanauan City, at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. East Valencia, Buenavista, Guimaras.

Naareto si Andal sa kanyang pinagtaguang lugar Lunes ng umaga sa bisa ng warrant of arrest na inihain ng mga awtoridad.



Si Andal, na noon 51 anyos, ang pangunahing salarin sa pagpatay kay SPO2 Herminigildo Mercado na pinagbabaril sa Brgy. Balele, Tanauan City noong March 19, 1993.

Simula noon, nagtago na ito samantalang naglaan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng pabuyang P60,000.00 sa ikadarakip nito.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng Tanauan City Police Station si Andal.