Advertisers

Advertisers

Regional most wanted ‘rapist’ ng anak timbog sa Batangas

0 509

Advertisers

ARESTADO ang isang ama na kinasuhan ng 2 beses na panggagahasa sa sariling anak sa Barangay Banaba, San Pascual, Batangas.

Kinilala ang suspek na si Francisco Rosales, 57 anyos, nakalista bilang regional most wanted sa Calabarzon.

Si Rosales ay kinasuhan ng panggagahasa sa kanyang 14-anyos na anak na isang Grade 9 student.
Base sa report ni Police Executive Master Sargeant (PEMS) Renato Melecio, ang hepe ng Warrant Section ng San Pascual PNP, kanilang isinilbi ang arrest warrant na inisyu ng Regional Trial Court Branch 1, Batangas City laban kay Rosales para sa 2 counts ‘Rape’ na nangyari noong June 2021 at July 7, 2022.



Nasa kustodiya ngayon ng San Pascual Municipal Police Station si Rosales. Walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan. (KOI LAURA)