Advertisers

Advertisers

12-anyos patay sa bitbit na baril sa loob ng eskuelahan

0 255

Advertisers

Patay ang Grade 6 student nang aksidenteng pumutok ang pinaglalaruan baril sa loob ng banyo ng paaralan sa San Jose del Monte, Bulacan nitong Huwebes.

Kinilala ang biktima na si Adlai Brock Dascil y Javate, 12 anyos, Grade 6 student, ng # 277 North Fairway Homes, Brgy. Muzon, CSJDM Bulacan.

Sa report, 5:40 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa comport room ng Benito Nieto Elementary School, sa Brgy. Muzon, CSJDM Bulacan.



Nabatid na kinuha at dinala ng biktima ang isyung baril ng kanyang ama na si PEM Sherwin Dascil na nakatalaga sa Camp Crame sa kanilang paaralan sa ligid sa kaalam ng ama.

Pagdating sa paaralan nagtungo sa banyo ang biktima kung saan pinaglaruan ang baril na 9mm pistol at aksidente itong pumutok at tinamaan sa panga ang biktima na tumagos sa bahagi ng ilong.

Isinugod ang biktima sa Skyline Hospital kung saan ito binawian ng buhay.

Patuloy naman ang isinagawang imbestigasyon ng mga otoridad kaungay ng nasabing insidente.(Mark Obleada/Thony D. Arcenal)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">