Advertisers

Advertisers

2 motorsiklo, 4 SUV inararo ng trak na nawalan ng preno

0 141

Advertisers

Nagkalat ang mga basag na salamanin at sira-sirang parte ng mga sasakyan sa kanto ng Ortigas at Lanuza Avenue sa Pasig City Miyerkoles ng gabi.

Sumalpok ang 10-wheel truck sa 4 na SUV at 2 motorsiklo.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Pasig City Traffic and Parking Management Office, nawalan umano ng preno ang truck habang binabaybay ang kahabaan ng Ortigas Avenue, kaya’t kinabig ito ng driver papuntang Lanuza Avenue.



Dito na nadamay ang 2 motorsiklo at 4 na SUV na nakahinto sa kanto dahil sa traffic light.

Wala naman naitalang nasawi sa aksidente pero ang may-ari at nagmamaneho ng isa sa mga nasangkot na SUV, nagtamo ng maliit na galos sa kanyang kamay. Nabasag din ang salamin sa may pinto ng kanyang sasakyan.

Nasa kustodiya na ng traffic police ang driver ng nakabanggang truck habang tuloy ang imbestigasyon sa naging sanhi ng aksidente.