Advertisers
Natagpuan ang dalawang putol na mga kamay ng tao sa may materials recovery facility ng Barangay Dos sa Bacolod City.
Sa ulat, nakalagay ang mga kamay sa lalagyan ng ice cream na nakita sa gilid ng kalsada.
May kasamang listahan ng umano’y mga drug user sa barangay ang lalagyan, at may banta na kung hindi raw sila titigil ay sila na ang isusunod.
Nababahala umano ang mga residente dahil bago pa matagpuan ang putol na mga kamay isang pugot na ulo ang natagpuan din sa barangay.
Pinulong na umano ng mga opisyal ng Barangay Dos ang mga nasa listahan.
Inaalam na ng mga pulis at SOCO kung ang mga putol na kamay sa dalawang lalaking nawawala mula noon pang 2022.