Advertisers

Advertisers

Abogado, court emplyee pinagbabaril sa Leyte

0 183

Advertisers

NAKALIGTAS sa kamatayan ang isang abogado at isang court employee matapos silang pagbabarilin sa Palo, Leyte, Miyerkoles ng umaga.

Ayon sa Police Regional Office 8, ang mga biktima ay kinilalang sina Atty. Alexander Lacaba, 60 anyos, isang private lawyer; at Adolfo Perilla, 59, process server ng Regional Trial Court Branch 43, Tacloban City.

Ang salarin ay nakilalang isang magsasaka at residente ng Barangay Cavite West, Palo, na hindi na pinangalanan.



Sinabi ng pulisya na magpapatupad ng ‘demolition’ ang mga biktima sa bahay ng salarin nang paputukan ang mga ito.

Agad dinala sa hospital ang mga biktima. Agad namang nahuli ang salarin.

Nakuha mula sa gunman ang isang caliber .45.