Advertisers

Advertisers

Binata timbog sa P13.9m ‘tsabu’

0 154

Advertisers

Arestado ang 44 anyos na binata na nahulihan ng P13,940,000 halaga ng iligal na droga sa joint drug buy-bust operation sa bayan ng Marilao, Bulacan.

Kinilala ni Bulacan Police director PCol. Relly Arnedo ang suspek na si Marlon Navarro Palmario, tubong Tondo, Manila at residente ng Pangarap Village, Novaliches, Caloocan.

Sa report, ikinasa ang operasyon ng Marilao police kasama ang PIU-Bulacan, SOU3-PDEG at PDEA 3 alas-11:20 ng gabi nitong Enero 25, sa Brgy. Loma De Gato.



Ayon sa report, nabilhan ang target ng poseur buyer ng isang medium size knot tied transparent plastic sachet na pinaghihinalaang shabu kaya ito inaresto.

Nakumpiska pa sa target ang dalawang pakete ng high grade shabu na nakapaloob sa Chinese tea bag, buy-bust item na tumimbang ng kabuuang 2,050. grams, may estimated value P13,940,000 at buy-bust money.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sec. 5 at Sec. 11 Art.II ng RA 9165 habang nakakulong sa naturang istasyon. (Thony D. Arcenal)