Advertisers

Advertisers

JK natawa at kinabahan sa role bilang Ninoy Aquino

0 269

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

PAGKATAPOS na hangaan sa Cinema laya movie na “The Blue Room”, muling magpapakitang-gilas sa pag-arte ang singer-actor na si JK Labajo.
Siya ang napisil ng multi-awarded actor at director at Famas at Palanca awardee na si Vince Tanada na gumanap sa iconic role ni Ninoy Aquino.
Ayon pa kay JK, natawa at kinabahan daw talaga siya nang alukin siya ng nasabing role.
“Actually, when I was offered the role, I was really happy and scared at the same time. Kasi I feel, as an actor, the hardest part is play a real-life character as authentic as possible. Hopefully, I was able to play it well. I was able to honor Sir Ninoy. I feel honored and scared at the same time, “ ani JK.
Aminado naman si JK na wala siyang personal na engkuwentro kay Ninoy maliban sa mga napag-aralan niya sa kasaysayan at sa mga naririnig niya tungkol dito.
Hindi pa raw kasi siya ipinapanganak noong mamatay ito noong 1983.
Gayunpaman, nag-conduct daw naman siya ng sariling research tungkol sa national hero.
Katunayan, nag-interview din daw siya ng mga taong nakakakilala sa pambansang bayani.
Bilang isang kabataan, natanong naman siya kung paano niya kukumbinsihin ang millennials at mga miyembro ng Gen Z na panoorin o tangkilikin ang kanyang pelikula tungkol sa kabayanihan ni Ninoy.
“I guess, it’s for them to decide, eh. No matter what you do, people will make their own decision, right? No matter what how much you sell to them, it’s up to them to buy it or not. So, I guess for the younger generation, it’s their family (to convince them) and how they grew up. I think on our end naman, we’re gonna help and promote with what influence we have on social media and reach out on the market. You know we did something. We’re proud of it and we hope that you watch it and like it,” paliwanag ni JK.
Ang “Ako si Ninoy” ay halaw sa stage musical na may parehong titulo noong 2009.
Mula sa produksyon ng Philstagers Films, kasama rin sa star-studded cast sina JD Domagoso, Cassy Legaspi, Marlo Mortel, Sarah Holmes, Johnrey Rivas, Vean Olmedo, Nicole Laurel, Adelle Ibarrientos, JM Yosures, Jomar Bautista at Bodjie Pascua.
Nasa supporting cast din sina Jim Paredes, Tuesday Vargas, Donita Nose, Azenith Briones, Lovely Rivero, Pinky Amador, Sharmaine Suarez, Chris Lim, Brylle Mondejar, Brae Luke Quirante at marami pang iba.
Nakatakda itong ipalabas sa first quarter ng 2023.