Advertisers

Advertisers

Pinoy, sugatan nang mabaril ng nag-arestong pulis sa Hong Kong

0 195

Advertisers

Isang Pinoy ang nabaril nang manlaban sa pulis na umaaresto sa kanila sa Hong Kong.

Nabatid na unang nagresponde ang Hong Kong Police nang mag-report ang kapitbahay ng mga Pinoy sa ingay ng mga ito.

Gayunman, sa halip na sumuko nang maayos nanlaban pa ang Pinoy at sinaktan ang arresting officers kaya siya pinaputukan ng mga ito nang hindi pa rin tumigil sa pananakit sa kabila ng verbal warning sa kaniya.



Sa ulat, nagtamo ng tama ng bala sa kamay at sa dibdib ang hindi pinangalanang Pilipino.

Agad naman itong isinakay sa helicopter at isinugod sa ospital.

Dalawa rin Hong Kong police ang nasugatan sa insidente at isinugod sa pamagutan.