Advertisers

Advertisers

Halfway house planong itayo ng Manila LGU

0 151

Advertisers

Magtatayo umano ng halfway house ang lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila sa susunod na taon.

Sa pagdalo sa Relaunching ng Balitaan sa Tinapayan, sinabi ni Manila City Vice Mayor Yul Servo-Nieto na dalawang halfway house project ang pinaplano nilang itayo sa bahagi ng District 5 sa Maynila.

Magsisilbi ang nasabing proyekto na matutuluyan o matutuluyan pansamantala ng mga street dwellers tuwing gabi.



Paliwanag ng bise alkalde, pagsapit naman ng umaga isa-isa silang palalabasin.

Sinabi ni Vice Mayor Servo, na bukas ang naturang proyekto sa mga street dwellers na makikitang pagala-gala sa mga katabing lungsod.

Hindi lamang libreng matutuluyan kundi magkakaroon din ng libreng pagkain, inumin at mahihigaan ang mga street dwellers kung magtutungo sila sa mga halfway projects.

Sa kasalukuyan, pinag-aaralan na ng konseho ng Manila LGU ang mga proseso sa naturang proyekto.(Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">