Advertisers

Advertisers

5-man advisory group na sasala sa courtesy resignation ng PNP officials pinangalanan na

0 205

Advertisers

INANUNSYO na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pangalan ng mga indibidwal na bubuo sa 5-man advisory group na sasala sa courtesy resignation ng matataas na opisyal ng Philippine National Police.

Kinabibilangan ito nina Baguio City Mayor Benjamin Magalong; PNP Chief Rodolfo Azurin Jr; dating Defense Secretary Gilbert Teodoro at retired General Isagani Nerez.

Habang ang isa pa ay ayaw ipasabi ang kanyang pangalanan.



Nilinaw naman ni DILG Secretary Benjur Abalos Jr. na walang sahod o allowance ang magsisilbi sa naturang advisory council.

Tiniyak din ng kalihim na dadaan sa masusing evaluation ang mga courtesy resignation.

Sa kabuuang 955 na mga general at full colonels, 12 ang hindi nagsumite ng courtesy resignation.

Pero kung tutuusin, isa na lang ang hindi pa nagre-resign dahil sa 12, lima ang nag-retiro na habang ang anim ay magreretiro na rin.

Magugunitang nanawagan ang DILG sa mga heneral at koronel sa PNP na magsumite ng kanilang courtesy resignation bilang bahagi ng paglilinis ng kanilang hanay mula sa mga pulis na posibleng sangkot sa iligal na droga.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">