Advertisers

Advertisers

5-man committee na magsasala sa courtesy resignation ng PNP officials pinangalanan

0 132

Advertisers

PINANGALANAN na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga indibidwal na bubuo sa 5-man advisory group na sasala sa courtesy resignation ng matataas na opisyal ng Philippine National Police.

Kinabibilangan ito nina Baguio City Mayor Benjamin Magalong (retired PNP General), PNP Chief Rodolfo Azurin Jr, dating Defense Secretary Gilbert Teodoro, at retired Police General Isagani Nerez.

Habang ang isa pa ayaw ipasabi ang kanyang pangalanan.



Nilinaw naman ni DILG Secretary, Benjur Abalos Jr., na walang sahod o allowance ang magsisilbi sa naturang advisory council.

“I would like to reiterate that this is just an advisory group. They’ve got no salary, nothing at all, no allowance, nothing. They’re doing this voluntarily. They’re just advising,” ani Abalos.

Tiniyak din ng kalihim na dadaan sa masusing evaluation ang mga courtesy resignation.