Advertisers

Advertisers

Brgy. Patrol sumalpok sa poste: 1 patay, 4 sugatan

0 174

Advertisers

PATAY ang isang katao at apat ang sugatan na sakay ng barangay patrol nang mawalan ng kontrol sa manibela at sumalpok sa poste ng Meralco, Miyerkoles ng umaga habang bumabagtas sa kahabaan ng Barangay Mangas 2 Alfonso Cavite.

Hindi na umabot pa ng buhay sa pagamutan ang biktimang sakay ng Patrol na nakilalang si Geraldo Legaspi Atte, 54 anyos residente ng Barangay Palangue Naic Cavite.

Sugatan naman ang apat pa kabilang ang driver ng patrol na kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan na nakilalang sina Aldrin Legaspi Casama, 33 anyos, Brgy. Councilor, driver ng patrol; Jojit Jeciel Legaspi, 46; Renato Nosa Legaspi, 53; at Jefferson Legaspi Nosa, 54 anyos, magkakamag anak at mga residente ng Palangue Naic Cavite.



Sa ulat, 7:00 ng umaga nang maganap ang insidente kung saan sakay ang mga biktima ng FOTON Gratour na may plate number L1D665 , Patrol vehicle ng Brgy. Palangue Naic at bumabagtas sa nasabing lugar.

Ayon sa pulisya may kabilisan umano ang patakbo nito at tinangkang mag-overtake sa nauunang sasakyan dahilan upang mawala ito ng kontrol at tumaob ng ilang beses bago sumalpok sa poste ng Meralco.

Naipit at tumilapon ang mga sakay nito na agad nadala sa pagamutan subali’t idineklarang dead on arrival ng mga doktor si Atte.(IRINE GASCON)