Advertisers

Advertisers

Para mapigilan ang online sabong, ipagbawal ang mga camera sa sabungan

0 120

Advertisers

SABI ni Philippine National Police (PNP) Chief, General Rodolfo Azurin, nahihirapan daw sila sa paghuli sa mga nagsasagawa ng e-sabong dahil more on technology ito.

Inihalimbawa niya: Dahil hindi makapag-operate sa Pilipinas, sa ibang bansa ito nag-o-operate kaya nakakapasok parin sa Pilipinas.

Sabi pa ni PNP Chief, napakarami na nilang na-takedown na websites, pero may mga lumalabas parin.



Dapat, aniya, ang patawan ng parusa ay ang mga service provider na mabigong mai-block ang e-sabong websites.

Tama naman si Gen. Azurin sa kanyang mga obserbasyon, mga pare’t mare. Pero kung napapanood niya ang mga online sabong, malalaman niyang hindi sa ibang bansa ito nag-o-operate. Makikita mong mga Pinoy ang nagbibitaw ng mga manok, ang sentensiyador, at ang announcer. Maririnig mo rin sa audio ang mga nagsasalita ay Tagalog, Bisaya or Kapampangan. Ibig sabihin, ito’y ginaganap sa sabungan sa kungsaang bahagi ng Pilipinas. Mostly sa mga probinsiya, kungsaan karamihan ng sabungan ay pag-aari ng politiko kundi man ay gambling lord.

Ang siste ngayon ng mga sabungan, lalo ang mga nasa labas ng Metro Manila, ay naglalagay ng mga camera sa gratas at mayroong TV screen sa labas. Para raw mapanood ng mga hindi nakakapasok sa loob ng sabungan. Sus! Style…

Ang totoo niyan, mga pare’t mare, kaya may mga camera sa gratas ay para sa kanilang online operation. Ibinibigay lang nila ang website sa mga kakilala nilang sabungero. At ang sabungerong ito namang ang magpapataya sa kanyang mga kakilala. Sa GCash parin ang kanilang transaksyon. Opo!

Sa ganang akin, simple lang. Para hindi makapag-operate ng online sabong, ipagbawal ang paglalagay ng mga camera sa loob ng gratas, walang mangyayaring online sabong. Mismo!



***

Matindi ang pagtutol ng mga Sibuyanon sa mina sa kanilang isla, partikular sa bayan ng San Fernando kungsaan naka-program ang pagmimina ng Altai Mining Philippines Corporation na pag-aari raw ng Gatchalians.

Mag-isang linggo na ngayong nagbabarikada araw at gabi kahit umuulan ang mga mamamayan ng San Fernando sa may Sitio Bato, Barangay Spana, kungsaan naghuhukay na ang mga tauhan ng Altai Mining.

Nitong Miyerkoles ay nagkaroon ng tensyon nang tangkain ng Altai na ilabas ang kanilang mga truck na puno ng ores para ikarga sa barge na nakahimpil sa ginawa nilang pier sa lugar. Daan-daang pulis ang pumigil sa pagsugod ng mga nagbabarikada sa mga nakapilang truck ng Altai.

Sa kabila ng matinding girian, wala manlang opisyal ng LGU ng San Fernando ang lumutang para mamagitan. You know!!!

Matinding kasiraan kasi sa napakagandang Sibuyan island, Romblon kapag pinayagan ang mining dito. Una, magkukulay putik ang kanilang magagandang ilog na dinadayo ng mga turista, pati baybayin ay tiyak magkukulay putik at masisira ang corals tulad ng nangyari sa ibang lugar kungsaan talamak ang mining.

Itigil ang mining sa Sibuyan!