Advertisers
INSTANT milyonaryo ang isang residente sa Metro Manila nang solong mapanalunan ang mahigit sa P25.4 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Martes ng gabi.
Sa abiso ng PCSO nitong Miyerkules, may solong nanalo sa Lotto 6/42 ticket numbers 31-41-29-25-20-08 na may jackpot prize na P25,490,659.
Nabili ng mapalad na mananaya ang kanyang lucky ticket sa Pateros.
Upang makubra ang kaniyang premyo, kinakailangan lamang ng lucky winner na magtungo sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at iprisinta ang kanyang lucky ticket at dalawang balidong identification cards.
Ang Lotto 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo.