Advertisers
ISANG maliit na grupo ng mga Pilipino ang muling bumalik sa Kabul, Afghanistan pagkatapos ng isang taon matapos na lisanin nila ito bunga ng kaguluhan kung saan karamihan sa kanila ay galing umano sa ahensya ng United Nation (UN) at ilang mga internasyonal na organisasyon na pinahintulutan ng mga Taliban.
Ayon kay Migration Consultant Manny Geslani na eksperto sa Iraq at Afghanistan, ang mga OFWS na nagtrabaho sa nasabing bansa ay nakabalik pagkatapos ng isang taon mula sa kanilang magulong pagtakas sa Taliban noong Agosto 21, 2021.
Ang grupo ng mga pinoy ay nakabalik noong 2022 upang magtrabaho para sa International Organization na nakabase sa Kabul katulad ng IMP, Red Cross, Save our Children, UNAMA at UNHCR.
Ayon kay Rose Javier, isa sa sampung OFW, sa pakikipag-chat niya kay Geslani na maraming mga Fiipino ang bumalik sa Kabul kung saan ang ilan ay may mga dating trabaho sa mga organisasyon ng UN habang ang ilang mga dating militar na lalaki at mga humahawak ng kaso ay na-recruit para bumalik ng UN Mission Assistance to Afghanistan (UNAMA) at UMHCR, isang kanlungan at ahensya.
Sa panahon ng paglikas na pinamamahalaan ng US Military libu-libong mamamayan ng Afghanistan ang lumikas sa bansa kasama ang mga expatriates na nagtatrabaho sa mga internasyonal na organisasyon. Ang embahada ng Pilipinas ay nagawang iligtas ang 80 Pilipino sa isang chartered aircraft habang ang ibang mga OFW naman ay nakaalis sa mga eroplanong militar ng US at United Kingdom.
Samantala, nilibing na ang pinatay na OFW sa Kuwait na si Jubilee Ranara ay ginanap ngayong araw sa Golden Haven Memorial Park, Las Piñas City kung saan ay isang pribadong seremonya ang hiniling ng pamilya sa mga mamamahayag bago ihatid sa huling hantungan ang mga labi ng nasawi.
Si OWWA administrator Arnel Ignacio ang inatasan ng pamahalaan na mag-asikaso sa libing at tulong pinansyal sa pamilya Ranara, habang ang mga pribadong ahensya ng CLADS/PHILAAK na nagde-deploy sa Kuwait ay nakapagbigay ng kabuuang P340.000.00 libong piso mula sa local at foreign recruitment agencies. (JOJO SADIWA)