Advertisers

Advertisers

Misis patay sa bugbog ni mister

0 206

Advertisers

Patay ang isang misis nang bu­bugin ng mister sa loob ng kanilang bahay sa Albay.

Kinilala ang biktima na si “Lorena” Bebe, 47 anyos; habang patuloy namang tinutugis ang tumakas na mister na si “Eduardo,” pawang residente ng naturang lugar.

Sa ulat, 9:00 ng gabi kinompronta ni Lorena ang kanyang mister nang malamang inabuso nito ang kanilang 12 anyos na anak. At nagkaroon nang mainit na pagtatalo ang mag-asawa dahilan para bugbugin ni Eduardo ang misis.



Walang malay na isinugod ng mga residente at kaanak sa Josefina Belmonte Duran Memorial Albay Provincial Hospital pero dahil­ sa maselang lagay at inilipat sa Daraga Doctors Hospital sa bayan ng Daraga pero idineklarang patay na ang biktima.

Sa report, mismong ang mga anak ng mag-asawa­ ang nagsuplong sa ka­ni­­lang tatay sa mga pulis na agad nagkasa ng manhunt operation para tugisin ito.

Inihahanda na ang kaukulang kasong isasampa laban kay Eduardo.