Advertisers

Advertisers

3 NPA patay sa engkwentro

0 152

Advertisers

Narekober ang bangkay ng tatlong miyembro ng New People Army (NPA) sa naganap na engkwentro sa pagitan ng militar at rebelde sa Kabanlalan City, Negros Occidental.

Inaalam ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng 3 nasawi mga rebelde.

Ayon kay Lt. Col. Van Donald Almonte, commander ng 94th Infantry Battalion, 8:00 ng umaga nang maganap ang engkwentro sa pagitan ng pinagsanib na elemento ng 94th IB, Police Regional Mobile Force Battallion Western Visaya at 2nd Negros Occidental Provincial Mobile Force Company at 20 rebelde sa Sitio Bugne, Brgy Oringao, Kabankalan City Negros Occidental.



Sa ulat, tumagal ang engkwentro ng 20 minuto bago tuluyang tumakas ang mga rebelde sa iba’t-ibang direksyon.

Sa isinagwang clearing operation ng mga sundalo narekober ang bangkay ng 3 rebelde na iniwan ng kanilang mga kasamahan, M14 rifle, cal 45 at cal 38 pistol, backpack at mga subersibong dokumento.(Mark Obleada)